SIYA AY HINDI TAO HINDI HAYOP AT LALONG HINDI BAGAY SIYA AY ANG DYOSA NG ALINDOG!
SIYA AY HINDI TAO HINDI HAYOP AT LALONG HINDI BAGAY SIYA AY ANG DYOSA NG ALINDOG!
Sabi nila, naknakan daw ng Perfectionist si Everybody, kasi ang hirap niyang i-please...
Pero minsan , mas mahirap i-please si Myself...
Ang hirap kilalanin at intindihin...

Noong nakaraang May 23, 2009, nagkaroon ang aming pamilya (Morales Family) ng isang reunion na ginaganap lamang sa loob ng 100 taon (ahehe). Sa 32 na apo ni Nanay (lola namen), 3 lamang ang hindi nakadalo, ngunit pinalitan naman ng 5 apo sa tuhod, na magiging 7 na sa susunod na taon...(ahehe...family planning)
Ito ay ilan lang sa mga paborito kong Larawan:

Labels: beach, fiesta, Picture
Sa ngayon, ang isyu tungkol sa sex video ni Hayden Kho at ilang mga babae ay ang isyung nagpataob at nagpalaos sa ilan pang malalaking isyu kabilang na ang korupsiyon sa gobyerno, ang isyu ng pagkamatay ng asawa ni Manong Ted, ang kasalan ni Mr. All-Around (Mr.Palengke na Mr. Botika pa, at Mr. Pedicab pa) at Korina, kasalang Juday at Ryan at maging ang A(H1N1) (salamat jha).
Kung anu-ano nang isyu na ang sumusulpot, at kung sinu-sinong pangalan na ang nadadawit. Ang bawat nakakaalam ng isyu ay may kanya-kanya nang opinyon sa kung sino ba ang mas may kasalanan. Nakakapagtaka rin na labis-labis ang atensyong binibigay ng mga politiko sa nasabing isyu na nauwi na nga sa pagbubuhos ng tubig habang isinasagawa ang pagsisiyasat sa nasabing isyu.
Bakit ko ito sinusulat? Wala lang...
Para lang makahatak ng atensyon, at madagdagan naman ang dami ng taong nagkakamaling dumalaw dito sa aking aalog-alog na blog...
On the other hand *wow*, nung nalaman ko ang nasabing isyu, bigla kong naalala ang parehas na isyung kinasangkutan ni Edison Chen ng Hong Kong. Noong January 2008, si Edison ay nasangkot sa isang eskandalo na nagpagulat, nagpagalit at nagpagising sa mga Hong Kongers, dahil sa mga kumalat na mga "hubad" at "malaswang" larawan nya, kasama ang mga artistang babae gaya nila Gillian Chung, Bobo Chan, Mandy Chen, Candice Chan, Rachel Ngan at si Cecilia Cheung. Ang resulta, maraming buhay ang nasira, maraming relasyon ang gumuho...at habang buhay nang nakatatak sa babaeng ito ang imahe ng pagiging "immoral."
Ang pagkakaparehas ng dalawa ay dun na lamang nagtatapos. Dahil marami silang pagkakaiba, at ang mga sumusunod ay ilan lamang:
1. Minahal ko si Edison Chen, si Hayden Kho, hindi;
2. Si Edison Chen, bongga ang mga pagmamay-ari, nanggaling sa sariling sikap (daw), samantalang si Hayden, diumano, mula sa kanyang Condo, Laptop at ang monthly bills ay suportado ni Vicky B.
3. Si Edison Chen, ang sarili nya ang sinisi nya sa nasabing isyu at humingi ng tawad sa lahat ng mga taong nasangkot sa isyu, sa kabilang banda si Hayden Kho, sinisi na ata lahat, mula sa babaeng diumano ay unang nagvideo sa kanya, hanggang sa ispiritu ng alak, pati ata ispiritu ni Barbara at ni Casper, sinisisi nya;
4. At pang-huli, si Edison, di kinailangang gumamit ng hidden cam, dahil lahat ng picture (or) video na kinunan nya ay may concent ng mga babaeng kasama nya.
Enough of Edison Chen...
Balik tayo sa isyu...
Lahat ng mga taong sangkot at nakita sa video, ay masasabing may pananagutan sa eskandalo. Sa parte ng mga babae (Katrina and Maricris), katungkulan nating mga babae, lalo na kung mga kasing ganda naten, na maging mapagmatyag at mapanuri. Dahil nga, gaya ng sabi ni Katrina, hanggang pagtanda nya, maging lola na sya forever na yung video nya sa Internet. Isipin mo nga naman, papano kung magkaroon ng assignment yung mga apo nya tungkol sa kanilang family tree at gumamit ng Online resources upang mangalap ng information tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran at pag-ibig ng kanilang lola. Ano ang makikita ng mga apo niya? at nga mga magiging apo sa tuhod niya?
Dahil dyan, papasok ang argumento na:
Kung walang ginawa, walang lalabas na video.
Sa karamihan ng mga forums at kung anu-anong mga usapan sa cyber world, may kanya-kanyang opinyon. Merong mga sumisisi sa mga babae, meron din namang kay Hayden lahat. Sa halos lahat ng nakita kong usapan, napansin kong laging kasama si Maricar. Magiging epokrita ako kung hindi ko sasabihing, nagulantang ako nung nalaman kong kasama sya sa eskandalo, una kong napansin si ate Maricar sa commercial niyang Modess, at lalo pang nagbukas ang mundo ng showbiz, nang masama siya sa cast ng I love Betty ng Dos. Kapag nakikita ko si ate, para akong nakakaramdam ng kapayapaan, dahil bongga nga naman ang ganda nya,yung tipo ng mukha at kilos nya yung nagpapakita ng pagiging maamong tupa. Yung mukhang inaasam ko dati, nung gusto kong gumanap na Virgin Mary sa aming School Play.
Sabi ng iba, epokrita daw si Maricar, naGoya nya daw ang mga tao sa kanyang imahe. Meron pa ngang ibang nagsasabi na, papano pa kaya kung tuluyang napasok ni Maricar ang showbiz, at di lumabas ang nasabing isyu. Patuloy pa rin kaya nyang malilinlang ang taong bayan tungkol sa kanyang pagkatao?
Ang sa akin naman...
Sa paglabas-labas ni Maricar sa Telebsiyon, di ko naman siya nakitang nagsuot ng T-Shirt at nagsabing, AKO AY WALANG-BAHID DUNGIS...PWEDE AKONG MAGING SANTO, AT LUMEVELING KAY MOTHER TERESA, DAHIL SA SOBRANG LINIS AT DALISAY NG AKING PUSO, KALULUWA AT PAGKATAO.
At isa pa, hindi naman requirements sa showbiz at sa medical school ang maging pasado sa VIRGINITY TEST!
Dahil diyan, pupunta na naman ang argumento na, walang magiging eskandalo kung wala yung taong nagrecord ng video ng dapat sana ay pribado, at sa pagitan lamang ng dalawang tao (++) na gumawa nito.
Ngayon, gamitin natin yung prinsipyong ginagamit ni Hayden Kho, ang Itlog-Manok or Manok-Itlog Theory.
Hayden's Theory
Version 1. Video Scandal -> insanity -> kaso ng pagrerecord ng kanyang ex sa kanilang pagniniig ng palihim
Version 2. Video Scandal -> Espiritu ng Droga -> Katrina Halili -> ang Dealer???
Kung sana hindi nirecord ng ex ni Hayden ang kanilang intimate scene ng palihim di sana di siya magkakatrauma, di siya mahihilig sa pagrerecord din ng palihim, at walang video na ikakalat. Sa kabilang banda, kung wala yung Dealer ng Droga, walang pagkukuhanan si Katrina, walang drogang gagamitin na lalason sa kanyang katinuan, at walang video scandal. Dapat sisihin si ex at ang droga.
Sa kabilang banda, suriin naman naten ang mga bagay na konektado sa pagsasagawa ng video:
Video Scandal -> Condo at Laptop -> Vicky Belo
Ang Condo at ang Laptop ay ang mga pinakaimportanteng bagay na involve sa isyu. Ngunit, ayun sa mga sabi-sabi, ang nagbigay daw ng condo at laptop kay Hayden ay si Vicky Belo...Kung ganon, kung gagamitin ang Itlog-Manok or Manok-Itlog Theory, maaring sabihin na si Vicky Belo ang may kasalanan?
Ang huli, sino ba ang taong laging present sa mga video? Di ba si Hayden?
Video Scandal -> Condo at Laptop -> Vicky Belog -> Hayden Kho -> Mga Ninuno nya --> unggoy
Kung ganon, walang video scandal, kung wala ang Condo at Laptop na bigay ni Belo, pero walang pagbibigyan kung wala si Hayden, sa kabilang banda, walang Hayden kung wala yung kanyang ninuno. Kapag inusog pa natin ang ating pagsusuri, ayun sa theory ni Darwin,ang mga tao daw ay nanggaling sa unggoy.
Unggoy ang may kasalanan...
Sa bandang huli...Sino ba ang nalito?
Di ba ako??At Ikaw...
Haru...
Labels: Edison Chen, Hayden Kho, Katrina Halili, Maricar Reyes
Labels: Cha Tae-hyun, korean, speedy scandal